Huwebes, Marso 10, 2011

Sabog




Sabog ang lahat....

Bata matanda lumilipad
Walang pakialam
Walamg pakiramdam
Basta humihinga,
Nakangisi sa harap ng TV
at high sa sarap.

Sabog ang lahat....

Gobyerno ng mga adik,
Lipunan ng mga adik.
Kongresman na adik,
Kapitalistang adik,
Presidenteng adik,
Pulis na adik
at ang mga heneral na adik.
Puro katakawan sa pera
at kaadikan sa kapangyarihan
ang laman ng utak.
Kickback dito,
Nakaw doon,
Taas dito,
Lay-off doon,
Demolition dito,
Kutong doon.

Kaya resulta.....
Sabog na tindera,
Sabog na drayber,
Sabog na estudyante,
Sabog na teacher,
Sabog na manager,
Sabog na janitor,
Sabog na sidewalk vendor,
Sabog na tanod,
Sabog na preso at
Sandamakmak na sabog sa kanto.

Sabog na nga lahat....

Gutom,
Naninigas,
Namamanhid,
Walang pakiramdam.


2 komento:

  1. Sabog ang lahat. Dahil sabog ang sistema.

    TumugonBurahin
  2. isang masalimuot na realidad sa bansa natin. salamat sa pagbasa

    TumugonBurahin