koleksyon ng mga tula at kwento na nalikha matapos ang maghapong trabaho
Linggo, Mayo 16, 2010
Liwanag ng Maynila
Alas Dose...
Habang nananaginip ang lahat
Habang tahimik at puro hilik nalang maririnig
Narito gising na gising padin ang diwa
Nakamasid sa nagliliwanag na bintana
Parang nagsawa na ang antok
Kanina sa labas ng kwarto kumakatok
Sadya talagang malakas mamukaw ang takot
Takot mapapikit... makatulog at takasan ang bangungot.
Oras na....
takpan ng kurtina ang nagliliyab na bintana
Maglakbay at magpalamig sa gabing nagbabaga
Kahit anong pigil sadya kaming ipinagtagpo
Magsasama at makikipagbuno sa mundo
Sa madilim na lansangan naroon ang aking hininga
Sa busina ng mga sasakyan
Sa sutsot ng mga bugaw
Sa pasigsag na lakad ng mga lunod sa alak
Sa mga nilalang na kalsada na ang naging tirahan
Kami ngayon ay iisa....
Pagsasaluhan namin ang liwanag ng Maynila
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento