Lunes, Setyembre 13, 2010

Hindi Baril, Hindi Bala

hindi ang baril
hindi ang bala
hindi ang bombang naghihintay
sumabog sa nauuhaw na lupa -
ang syang magpapalaya

ang mga biktima ng kalupitan
ang mga dukhang inalisan ng karapatan
ang mga sikmurang walang laman
ang mga magsasakang inagawan ng lupa
ang mga manggagawang
inalisan ng pagasa
ang mga walang pampa-ospital
ang mga walang pampa-aral
ang mga dinimolis ang tirahan.

Sila...

ang hangin at apoy
ang dudurog at magkakalas sa kadena.
ang bombang sasambulat
at magpapalaya

4 (na) komento:

  1. Nice! Dama ko ang damdamin ng manunulat nito...

    TumugonBurahin
  2. salamat Jag sa pagbasa. bumabalik lang ang dati kong interes, tungkol sa mga pangyayari sa ating bayan.

    Sana mabasa ko din ang mga gawa mong tula :)

    TumugonBurahin
  3. hindi ang baril
    hindi ang bala
    hindi ang bombang naghihintay
    sumabog sa nauuhaw na lupa -
    ang syang magpapalaya

    --akala ko po nung una, patungo ang tula sa pagkundena ng digmaan. :) naalala ko yung mahabang lecture ng kaibigan ko sa 'kin on the merits of war (na na-trigger ng remark ko na anti-war ako, kahit ano pang dahilan). naisip ko, habang binabasa ang mga linya sa taas, 'may maipapakita na akong pangontra sa "tatahimik na lang ba dapat ang mga naaapi?" ng kaibigan ko.' :))

    pero papabasa ko pa din sa kanya, at ihahanda ko na rin ang sarili ko sa 'sabi ko sa 'yo eh' >.<

    TumugonBurahin
  4. Salamat Aubrey at nagustohan mo ang linya na yan. Hindi sa lakas ng armas ang tagumpay ang isang digmaan, kundi sa nagkakaisang lakas ng mamamayan. Ang patuloy na pang-aalipin ang dahilan kung bakit mas lalong nagliliyab ang panawagan nila sa tunay na demokrasya.

    TumugonBurahin