Sabado, Disyembre 25, 2010

Pira-pirasong Laruan


Kapag lumuwa na ang asul mong mata,
Doon mo lang nanaisin na ako'y makita.
Kapag putol na ang mahahaba mong hita,
Doon mo lang nanaising maglakad na ako ang kasama.

Kapag paralisado na ang lahat
Doon mo lang nanaising sa aki'y umakap
Kapag natunaw na ang mapupula mong mga labi
Doon mo lang nanaising humalik sa aking tabi.

Kapag tumigil na ang pagtibok ng puso mo,
Doon mo lang sisimulang mahalin ako.
Sadyang ganito kalupit ang katotohanan,
Hihintayin nalang maubos baterya sa katawan.

1 komento:

  1. Brad, tuloy-tuloy lang sa pasusulat
    Tumatatak ang mga tugma mo, parang peklat sa sugat
    Mensahe sa mga nag-"follow" mula sa aming apat
    Iisa-isahin namin kayo para magpasalamat

    Happy New Year!

    TumugonBurahin