Miyerkules, Enero 11, 2012

Basag na Oras

Patay na ang panahonwala nang marinig na awit
kundi ang mga sigaw na
nakalibing sa nagdaan.


Patay na ang panahon
wala nang makita
kundi, sayaw
ng mga natuyong dahon.
parang mga alikabok
na pumapasok
sa aking mga mata.


Patay na ang panahon.
wala nang magawa
kundi magpaikot-ikot
tulad ng orasan,
nakasabit sa taas ng ating pintuan.

2 komento:

  1. "Patay na ang panahon.
    wala nang magawa
    kundi magpaikot-ikot
    tulad ng orasan."

    Damang-dama ko ang 'pagkamatay' ng panahon. Ganda ng habi ng salita. :) Pati yung reference sa alikabok. Naisip ko yung pag-aantay sa maalikabok bus station ng bus na masasakyan. :)

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat sa pag-basa at komento :)

    Ganitong panahon, katatapos lang ng kapaskuhan at umpisa nanaman ng taon malimit ganitong klase ng tula aking naisusulat.

    salamat uli Aubrey :)

    TumugonBurahin