aking naaninag madilim na daan
sinag ay pag-asa, muli kang makita
sa lamig at hamog, hahanapin kita.
tula ang liwanag sa patay-sinding club
aking naaninag, sintang hinahanap
akwaryum na silid, awa ang nasilip
hubad mong kayakap ang hapdi at pait
tula ang halinghing, sumiksik sa dingding
ingay sa siping tila sigaw at daing
malibog na pera, ikay ginahasa
tanging magagawa, ubusin ang luha.
tula ang kulimlim sa gabing madilim
tinakpan ang buwan pati aking paningin
bumulusok sa lupa, mga tala sa langit
sa bawat sulok ng puso ang nagliliyab na galit.
pasan ang hinagpis, posporo kiniskis
apoy nagliyab, pag-ibig ang wawasak
akwaryum na bumihag, harapin ang pagbasag
aking anghel ay lalaya, liwanag kanyang makikita.
. . .
kumawala ang mga hinagpis at daing.
kumawala ang mga halinghing sa dingding.
kumawala ang amoy ng alcohol.
kumawala ang anghel sa pambababoy.
. . .
salamat sa gabi, tayo'y nagkayakap muli.
kahit sampal ang iniwan mong halik sa huli.
lumayo ka na parang usok na walang hugis.
bumalik ka sa kung saan naroon ang mga tangis....
at di na kita muling sinilip pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento