Lunes, Abril 12, 2010

Basag Na Istante


Lakad...
Patuloy sa paglakad...
Patuloy sa paghakbang ng mga paa
Patuloy sa paghanap kung nasan ang ginhawa
Pamilya ang tangan at natitirang na pag-asa
Kahit apakan ang bubog kayang madurog
Maitakas lang sila sa pagkakalubog

Lakad...
Patuloy sa paglakad...
Lakbayin ang mga hamon at pangamba
Suungin ang pagdurusa na nakaamba
Ngunit paano? Nasan ang bukas nila?
Puro ticket ng bus Laman ng aking bulsa.

Lakad...
Patuloy sa paglakad
Bitbit ang envelop na kay bigat
Nakasiksik ang malungkot na sulat
Kayhirap basahin Kayhirap tanggapin
Hapdi at kirot ng isang alipin.

"Sisante ka na"
"Pasensya na"
"Nalulugi na ang pabrika"


Lakad...
Patuloy sa paglakad
Nais kumawala ng luha sa aking mata
Umagos na parang baha sa kalsada
Palutangin ang tunay na kasagutan
Magliligtas sa aming kinabukasan

                   Tumigil....
               Napatingin...
          Sa salamin...
     Sa sikat na boutique
Sa soot na damit ng mannequin.

Dito nakita
Dito nadama
Dito dumaloy ang luha
Dito inasam ang paglaya

Kung bakit wala nang makain
Kung bakit nagsara ang maliliit na pabrika
Kung bakit sumpa ang made-in-china
Kung bakit walang magagawa

Kundi lakad...
Patuloy sa paglakad
Nakayukom ang mga palad.

2 komento:

  1. mahirap talaga maglakad kapag walang patutunguhan..

    TumugonBurahin
  2. Salamat sa pagbasa Arvin. Nasa draft pa ang tulang ito, medyo malapit nadin matapos.

    TumugonBurahin